Miyerkules, Disyembre 30, 2015

RIZAL DAY

           

  Sa araw na ito,ipinagdiriwang natin ang kamatayan ng ating Pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.Ipinagdiriwang natin ito tuwing Disyembre 30 ng taon.Ipinagdiriwang natin ang kanyang kamatayan upang maalala natin ang mga ginawa niya para sa ating bayan.Dahil sa kanya,nagising sa kamalayan ang iba nating mga bayani upang ipaglaban ang ating Bayan laban sa mga Kastila.Lumaban siya kasama ang iba pa nating mga bayani gamit ang kanyang mga akda upang makamit natin ang kalayaan ng ating bansa.Ang pagdiwang sa kanyang kamatayan ay pagpapahalaga natin sa kanya bilang Pambansang Bayani.

Biyernes, Disyembre 25, 2015

PASKO

 

 Ang Pasko ang pinakamahalagang araw sa buong taon,sapagkat ito ang araw na ipinanganak ang tagapagligtas at Diyos nating si Hesus.Sa tuwing darating ang Ber months,nagagalak ang amg tao sapagkat papalapit na naman ang Pasko.Makakatanggap na naman tayo ng mga regalo,magkakaroon rin tayo ng mga bagong gamit,at syempre Aguinaldo o Pamasko mula sa ating mga Ninong at Ninang.Nariyan din ang mga masasarap na handaan na nakikipagpalitan pa sa ating mga kapitbahay at mga kasiyahan sa ating lugar.Tunay nga nating idinidiwang ang Pasko ng may diw na "Pagmamahalan at Pagbibigayan". 

 

 Sa araw ng Pasko,ang una nating dapat gawin ay magsimba,magdasal,at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob niya sa atin sa araw-araw.Ipinagdiwang namin ang Kapaskuhan kasama ang aking Pamilya sa aming tahanan lamang.Masasarap na handa,malalakas na tugtugan at kantahan,ganito namin idinaos ang Pasko kasama ang aking Pamilya.Kahit nasa bahay lang,masaya namin idinaos ang Pasko sapagkat idinaos namin ito ng magkakasama.

WISHLIST





 Lahat ng tao ay may kanya-kanyang gustong makamit sa buhay,minsan idinadaan natin ito sa dasal at minsan sa paghiling.Panata na nating mga Pilipino ang magsimbang gabi tuwing magpapasko.Sinasabi nila na kapag nakumpleto mo ang 9 na araw ng pagsisimba,matutupad anuman ang iyong hiling o mas tinatawag nila na "Wishlist".Ngunit hindi natin matutupad ang ating kahilingan o gusto kung hindi natin ito paghihirapan at pagsusumikapang makuha.Hindi lamang tayo dapat umasa sa ating mga kahilingan,bagkus sarili natin mismo ang siyang tutupad sa ating mga kahilingan. 

 

 Ang Wishlist ko ngayong Pasko ay maunawaan sana ng lahat ng tao ang diwa ng Pasko na Pagmamahalan at Pagbibigayan.Unahin natin ang Panginoon ngayong Pasko,sa mga biyayang ibinibigay niya sa atin,sa paggabay niya sa mga mahal natin sa buhay,at sa buong pagmamahal niya sa atin.Nais ko rin na magkaroon na ng kapayapaan hindi lamang sa ating bansa,kundi ganoon din sa iba't-ibang bansa.At para naman sa aking sarili,sana'y palaging malakas,malusog,maayos,at masaya ang mga taong mahal ko sa buhay,ang aking mga kaibigan,mga kaklase,mga guro,at ang aking Pamilya.Sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ng malakas,malusog,maayos,at masaya dito sa mundo.

Linggo, Disyembre 6, 2015

SABADO'T LINGGO (Ang Pangkatang-Gawaing nauwi sa Video-Oke)


      Makulay na umaga,singkulay ng Sabado kong puno ng mga gawain.Ngayong araw napagpasyahan kong tapusin na ang lahat ng aking mga tajdang-aralin upang bukas ay hindi ko na ito poproblemahin.Sinimulan ko munang gawin ang mga takdang-aralin ko sa Filipino at Matematika,Mahigit isang oras ko rin itong tinapos.Kasunod naman nito ang paggawa ko sa T.L.E..Pagkatapos kong gawin ang mga ito,ay nag-umpisa na rin akong magsulat ng mga ipapaskil ko sa aking blog.Inuna ko munang gawin ang Sabado't Linggo  kasunod ang iba pang ipapaskil.
   
       Pagdating ng Linggo,at dahil hindi ko natapos ang aking blog,ipinagpatuloy ko muli ito at pagkatapos ay nanuod na ako.Pagsapit ng alas dos pumunta ako sa paaralan dahil mayroon kaming gagawing pangkatang gawain.Nang magkita-kita na kami pumunta na kami sa bahay ng aming kagrupo malapit sa paaralan upang doon gawin ang aming pangkatang gawain.Pagkatapos namin gawin ito ay nagvideo-oke na kami.Gabi na nang kami'y makauwi.

Lunes, Nobyembre 30, 2015

SABADO'T LINGGO (E.S.P:Edukasyon sa Paglalakbay)


         Malamig na umaga kasabay ng malakas na simoy ng hangin ang aking naramdaman sa aking paggising.Sabado pa lang noon ngunit hindi na ako mapakali at parang gusto ko ng magfield trip kahit na bukas pa iyon.Hindi na ko magkamayaw sa sobrang galak.Ilang taon na din kasi akng hindi nakakasama sa mga educational tour at elementarya pa ako ng huling makasama.Bilang paghahanda,kasama ko ang aking kaklase na namili ng mga pagkaing babaunin para bukas.Halos tsitserya lahat ang aking mga binili at iilan lamang ang mga inumin.Pagkauwi,agad kong inayos ang aking mga babaunin at inilagay lahat sa aking bag ang mga kakailanganin.At hinihintay na lamang ang oras na mag linggo na. 

        

             Alas tres ng umaga ako nagising,at nagmadali ng maligo't nagbihis upang makapunta na sa paaralan.Pagkadating ko doon,marami ng mga tao at hinanap ko na ang aking mga kaklase.Habang naghihintay sa iba pa naming mga kaklase ay nagkuwentuhan muna kami tungkol sa aming mga pupuntahan.Nang makadating na ang lahat,iniayos na kami ng mga guro sa bawat pangkat upang malaman kung sino ang mga magkakasama sa bus.Ilang oras din kaming naghintay bago tuluyang makaalis.Pagkasakay sa bus,nagpakilala na ang aming tour guide na si kuya Jepoy.Una naming pupuntahan ang Pinaglabanan Shrine,at habang papunta roon binibigyan na kami ng kaalaman ni kuya Jepoy tungkol sa Pinaglabanan,nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa Katipunan at sa ating bayaning si Bonifacio.Kamangha-mangha ang Pinaglabanan dahil nandito ang mga iba't ibang bayaning bahagi ng katipunan at mga armas na ginamit ng mga katipunero.Sunod naming pinuntahan ang Gardenia Factory na napuntahan ko na noong elementarya pa ako.Tulad ng dati, inikot namin ang Gardenia upang malaman kung paano ginagawa ang mga masasarap na tinapay dito.Huli naming pinuntahan ang Enchanted Kingdom,ang pinakahihintay ng lahat.Masaya ako muling makapunta dito,dahil masasakyan ko na ang mga rides na hindi ko pa nasasakyan noon.Sobrang haba ng pila kahit saanman kami magpunta,pero napagpasyahan na lang namin na sumakay sa Space Shuttle.Mahigit isang oras din kaming pumila roon,pero sulit naman dahil makalaglag puso ang pagsakay doon.Sunod naming pinuntahan ang Horror House,di pa man din kami nakakapasok ay takot na takot na ang mga kaklase kong babae.Nang makapasok na kami,halos mahubaran na ang mga kaklase kong lalake sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa mga damit.At pagkalabas namin,sinabi nila na hindi naman nakakatakot,pero ang mga itsura nila kanina sa loob ay parang iiyak na.Maggagabi nang bumalik kami sa bus.Kahit pagod na pagod ramdam kong naging masaya ang lahat at hiling ko sana'y maulit muli ito.


Linggo, Nobyembre 22, 2015

SABADO'T LINGGO

   


Umagang kay ganda,ang dinatnan ko sa paggising,kay lamig ng tubig saktong pampagising.Pagkatapos maligo ay tumungo agad ako sa paaralan upang idaos ang unang Day Camp naming mga Seniro Scouts ngayong taon.Sa aking pagpunta,nagtaka ako dahil akala ko'y walang tao at ako'y nahuli na,pero pumasok pa rin ako at nakita ko ang tatlo kong kapwa iskawts.Habang naghihintay sa iba pang iskawts,napagpasyahan muna naming magkuwentuhan.Unti-unti ng dumating ang iba pang mga iskawts kasunod ang aming guro.Nagtaka ang aming guro kung bakit kami naroon samantalang hindi naman kami kasama sa gaganaping Regional Jamboree sa Teresa,Rizal.Sa halip na umuwi,tinulungan na lang namin ang kapwa namin iskawts na maghanap ng mga kagamitang gagamitin nila sa sa loob ng limang araw.Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami upang umuwi,dahil gagawin pa namin ang aming mga takdang-aralin.


        Pagsapit ng Linggo,tanghali na akong nagising dahil sa kalalaro ng clash f clans nang gabi.Pagkatapos kong maghilamos at mag-almusal ay pumunta ako sa computer shop upang gawin ang akinh mga takdang-aralin.Pagkatapos umuwi muna ako upang magtanghalian.Pagsapit ng hapon ay muli akong bumalik upang magpaskil naman sa aking blog,nang matapos ko ito ay umuwi na rin naman ako agad.At dal may pasok pa bukas,inayos ko na ang aking mga gamit athi pagkatapos ay natulog na.

Sabado, Nobyembre 21, 2015

"PAGPAPAHALAGA SA AKING MAGULANG"



   Mula nang ako'y isinilang,ang aking mga magulang ang nagbigay sa akin ng liwanag.Liwanag na nagbigay daan upang makita ko sila pati na rin ang aking kapaligiran.Sa murang edad pa lamang ay tinuruan na nila akong magbasa at magsulat gayundin ang pagbibilang at pagsasalita.Kahit ako'y lumalaki na,patuloy pa rin nila akong ginagabayan hanggang sa aking pagpasok sa paaralan.Lagi nila akong pinaalalahanan na laging mag-ingat at sumunod sa kanilang mga ibinibilin.Isang araw dumating ang malaking pagsubok sa aming buhay at parang yumanig ang mundo ng mga panahong iyon.Pitong taon pa lamang ako nang mawala ang aking pinakamamahal na ama.Dahil musmos pa lamang,wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak at paulit-ulit na tinanaong sa maykapal kung bakit pa siya ang nawala gayong mabuti naman siyang tao.Pagdaan ng panahon ay unti-unti ko na itong tinanggap upang maibsan ang lungkot na aking nadarama.At kahit mag-isa na lang ang aking ina sa pagpapalaki sa amin ay hindi pa rin natitigil ang kanyang paggabay at pagsuporta.Sa halip mas lalo pa itong tumibay at uminog sa aming puso.Nagpapasalamat ako,sapagkat isa ako sa mga taong nakadama ng kanilang pagmamahal,mga magulang na walang tigil sa paggabay,mga magulang na walang sawa sa pagsuporta,mga magulang na ipinagmamalaki ng lubusan ang kaniyang mga anak.Ito ang aking mga magulang na palaging nariyan para sakin na kihit anong mangyari ay hindi ko ipagpapalit kanino man.Kung magkakaroon ulit ako ng panibagong buhay,ihihiling ko sa diyos na sila ulit ang aking maging mga magulang 



   MAMA,PAPA mula po sa aking puso lagi niyo pong tandaan na MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO AT HINDI PO AKO MAGSASAWA NA MAHALIN KAYO.












       



Linggo, Nobyembre 15, 2015

SABADO'T LINGGO (Globalwalkpamore,Zumbapamore,Aralpamore)




              Madaling araw pa lang ay pinilit ko ng gumising upang lumahok sa Global Diabetes Walk na ginanap noong sabado mula sa simbahan ng antipolo hanggang sa Ynares Center.Mahigit isang oras din kaming naghintay sa aming sasakyan patungong simbahan.Pagkadating namin doon ay nagmadali na kaming naglakad upang makahabol sa mga nauna dahil nahuli kami ng pagdating.Habang naglalakad kami papuntang Ynares Center,nakasulubong namin ang iba pa naming kasamahang guro at sabay-sabay ng naglakad papunta roon.Ilang minuto rin kaming nakapagpahinga bago mag-umpisa ang programa.Hindi rin naman ito nagtagal at sinundan agad ng zumba.Habang papauwi,kitang-kita sa aming mga lumahok ang kasiyahan kahit na pagod na pagod. 

                Pagsapit ng Linggo,minabuti ko munang magpahinga,dahil tambak na naman ang aking mga takdang-aralin.Buong hapon kong ginugol ang aking oras sa kakagawa ng mga ito,kaya naman maaga akong nakapagpahinga ng gabi.

ANO ANG NAIS MONG TAHAKIN BILANG ESTUDYANTE SA IPINANGAKO NG DIYOS?

            Bilang isang estudyante,kailangan ko ding pag-aralan ang at isagawa ang mga kautusan ng D Diyos.Ito ang dahilan kung bakit namumuhay ako kasama ang mga tao sa aking paligid ng maayos at ligtas.Bata pa lamang ako ay iminulat na ako ng aking mga magulang sa paniniwalang may diyos.Nakalakihan ko ito kasabay ng pagsisimba tuwing linggo.Nang ako'y nagkaisip na at nagsimulang pumasok sa paaralan unti-unting nagulo ang aking isip.Ang iba ko kasing mga kamag-aral ay hindi naniniwala na may panginoon.Mula dito,nalaman kong ang mga tao ay may iba't-ibang paniniwala na tinatawag na relihiyon.Gayunpaman,hindi pa rin nagbago ang aking paniniwala sa kanya.Sa halip,lalo pa itong tumatag at tumibay.Hangga't ako'y nabubuhay,hindi bilang isang estudyante kundi isang taong naniniwala sa kanya,ang aking buhay ay iaalay ko lamang sa kanya magpakailanaman.

Sabado, Nobyembre 14, 2015

"REALISASYON SA PARABULA NG BANGA"







        Ang Parabula ng Banga at isang parabula na sumasalamin sa mga taong may maayos at simpleng buhay na kalaunan ay naimpluwensyahan ng iba't-ibang uri ng tao sa kanyang paligid.Noong una'y masagana pa ang kanyang pamumuhay hanggang sa makakilala siya ng mga taong mas nakatataas sa kanya.Sa katagalan,naging kaibigan niya na ang mga ito at kung anuman ang kanilang gagawin ay ganun din ang kanyang susundin.Ngunit hindi niya naalala na iba siya sa kanila.Hanggang sa dumating ang araw na may nangyari sa kanilang masama,at siya lamang ang napahamak habang ang kanyang mga kaibigan ay ligtas.

        Ito rin ay tumutukoy sa pagsunod sa ating mga magulang.Dahil bata pa ay sinusunod pa natin ang kanilang mga kagustuhan,ngunit habang nagkaka-isip na ay sinusuway na natin ito dahil akala natin ay wala itong idudulot na kapahamakan sa atin.Pero,sino ba namang magulang ang nais na mapahamak ang kanyang anak?Ang itinuturo sa atin ng ating mga magulang ay kung ano makabubuti at para na rin sa kaligtasan natin.Kapag may nangyari sa ating kapahamakan saka lang natin maaalala ang kanilang mga itinuro sa atin.

Ito rin ay tumutukoy sa pagsunod sa ating mga magulang.Dahil bata pa ay sinusunod pa natin ang kanilang mga kagustuhan,ngunit habang nagkaka-isip na ay sinusuway na natin ito dahil akala natin ay wala itong idudulot na kapahamakan sa atin.Pero,sino ba namang magulang ang nais na mapahamak ang kanyang anak?Ang itinuturo sa atin ng ating mga magulang ay kung ano makabubuti at para na rin sa kaligtasan natin.Kapag may nangyari sa ating kapahamakan saka lang natin maaalala ang kanilang mga itinuro sa atin.

Linggo, Nobyembre 8, 2015

SABADO'T LINGGO (IKATLONG MARKAHAN)

          Sabado't linggo,dalawang araw na pahinga sa pag-uumpisa ng ikatlong araw.Matinding araw ang sumalubong sa akin noong sabado,kahit papatapos na ang tao hindi pa rin nagbabago ang init na panahon.Hindi tulad dati setyembre pa lang malamig na,dagdag pa ang sunod-sunod na malalakas na bagyo.Kung kaya't napagpasyahan kong maligo ng umaga nitong sabado upang mapawi ang init na aking nararamdaman.Pagkatapos,nag-almusal muna ako habang nanonood ng mga palabas ngayong sabado sa telebisyon.Pagkatapos,inumpisahan ko ng gawin ang aking mga takdang-aralin.Maghapon ko itong ginawa,nang maggagabi na napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang ito bukas dahil Alam kong hindi ko ito matatapos ngayong araw. Kinabukasan,gaya nga ng sinabi ko ipinagpatuloy kong tapusin ang aking mga takdang-aralin.Halos apat na oras ko itong tinapos at sakto naman dahil magtatanghalian na ng matapos ko ito.Kinahapunan,pagkatapos kong gawin ang aking mga takdang-aralin,ginawa ko naman ang aking Sabado't linggo sa aking blog.Gabi na ng mai-paskil ko ito.Sa wakas,natapos na ang aking mga gawain sa paaralan,ang kailangan ko na lamang gawin ay ayusin ang aking mga kagamitan at maghanda sa pagpasok kinabukasan.

Linggo, Oktubre 18, 2015

SABADO"T LINGGO (Ika-17-18 ng Oktubre 2015)


Maulang umaga ang bumungad sa akin noong sabado.Ito pa naman ang araw na dapat tatapusin namin ang aming mga proyekto sa iba't-ibang asignatura.Ngunit hindi pa rin kami nagpatinag sa masamang panahon na ito sa paghadlang sa aming gagawin.Pagkadating namin sa bahay ng aming kagrupo ay agad naming inumpisahang gawin ang aming bidyo-presentasyon sa asignaturang Araling Panlipunan at Filipino.Ilang oras din ang tinagal namin sa paggawa nito,ngunit hindi naman kami inabot ng gabi nang matapos ito.Ngunit maggagabi na rin ng kami ay makauwi dahil sa paglalakad. 


Kinabukasan, nagbabadya pa rin ang panahon kasabay nito ang pagsundo sa akin ng aking kaklase upang magtatak naman ng damit sa bahay ng isa pa naming kaklase.Sa tinagal - tagal ng oras nakaligtaan kong may dapat pala akong puntahan,ngunit hindi ko na rin ito itinuloy sapagka't huli na rin ang lahat.Kaya naman nang kami ay matapos,napagpasyahan kong umuwi na lang at magpahinga.

"TATLONG LUGAR NA NAIS PUNTAHAN SA BANSANG TSINA"

                                                                                                                                                                                                                                                                                

Sino ba naman ang hindi maakit sa ganda ng bansang Tsina? Puno ng mga magagandang tanawin,kultura't kasaysayan. Kaya't hindi na nakapagtataka kung isa ito sa mga pinaka maunlad na bansa sa Asya.Kahanga-hanga rin ang ang pinagmulan ng mga Tsino,ang kanilang mga ninuno ay magagaling na pinuno noong unang panahon.Dito rin nakaugat ang kanilang kultura na magpasa hanggang ngayon ay makikita pa rin sa kanilang bansa.Kasabay pa nito ang mga naggagandahang tanawin na sa bansang Tsina lang nakikita.Kaya't kung ako ay pupunta sa bansang ito,ang tatlong magagandang lugar na aking pupuntahan ay Li River,Forbidden City,at Great Wall of China.




LI River: Ang ilog na ito ay isa sa mga pinakamagandang tanawin sa Tsina.Dito mo malalaman kung bakit isang napakagandang bansa sa ang Tsina.Nagmimistulang paraiso ang tanawin dahil sa sobrang ganda nito.Ang tubig dito ay parang isang salamin sa sobrang linaw at sa paligid naman nito'y naggagandahan at nagtataasang mga bundok.


Isa sa mga gusto kong gawin sa lugar na ito ay ang pagmamasdan ng unti-unting paglubog ng araw sa pagitan ng mga nagtataasan at naggagandahang mga bundok.






Forbidden City: Sa unang tingin animo'y isang ordinaryong tahanan lamang,ngunit ang tahanan na ito'y isang tahanan na nap akahalaga sa mga tsino,dahil nagsilbi itong tahanan ng kanilang emperador.Ang Forbidden City ang sentro ng Beijing sa China na dinarayo ng mga tao dahil sa angking ganda nito.Kapag ako ay pupunta dito,lilibutin ko ito upang madagdagan pa ang aking kaalaman sa lugar na ito.Mukhang simple lang para sa atin ang lugar na ito,ngunit napakaimportante nito sa mga Tsino,dahil naging bahagi na ito ng kanilang kasaysayan. 




Great Wall of China: Kapag sinabing Tsina ang unang papasok sa iyong isipan ay ang Great Wall of China.Isa ito sa mga makasaysayang imprastakturang itinayo ng mga Tsino.Sinasabing ito ang pinakamatibay at pinakamahabang imprastakturang itinayo na gawa ng tao sa buong daigdig.Kahanga-hanga ang talaga ito,dahil sa dami ng mga taong nagtulungan at ilang taong inilaan upang maitayo lamang ang imprastakturang ito.Sa aking pagpunta dito'y gusto kong lakbayin ang simula nito hanggang wakas na para bang babalik sa noon at maging bahagi ako sa pagtatayo nito. 




Ilang oras man ang ang biyahe mula rito,magkano man ang gastusin mo papunta doon,magiging sulit at mapapawi ang iyong pagod at lungkot kapag napuntahan mo ang mga makasaysayan at naggagandahang lugar na ito.




Sabado, Oktubre 10, 2015

SABADO'T LINGGO


                                                                                                                         

Sabado na naman,ilang araw na lang at nalalapit na naman ang ikalawang markahang pagsusulit.Ang huling dalawang linggong pasakit sa pag-aaral naming mga estudyante.Sa malamang bugbog na naman ang katawan ko sa kagagawa at kapapasang mga proyekto,repleksiyon,portpolyo,at kwaderno sa iba't-ibang asignatura.Kaya ang sabado't linggo na ito ay iaalay ko sa paggawa ng mga gawaing ito.

Pagkagising ko noong sabado,inumpisahan ko na agad ang paggawa ng mga repleksiyon at pag-aayos ng aking mga kwaderno sa ibang asignatura.Maghapon ko itong ginawa,kaya naman kinagabihan maaga akong nakapagpahinga.

Kinabukasan naman ay inihanda ko ang aking gagawing pag-uulat sa asignaturang araling panlipunan kinabukasan,kaya naman ipagpapatuloy ko na lang sa susunod na mga araw ang pagtapos sa mga gawaing ito.

 












   

Sabado, Setyembre 26, 2015

"BILANG ISANG LALAKI ANO ANG MASASABI MO SA KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN"





    Lahat ng tao ay may karapatan lalake man o babae.Matatandaan natin noong unang panahon na hindi pantay ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan,tanging mga karapatan lamang ng mga kalalakihan ang namamayani lalo na ang karapatan sa edukasyon.Ang mga kababaihan ay walang karapatang mag-aral dahil mag-aasawa rin naman sila kaya't naiiwan na lamang sila sa kanilang mga tahanan at gumagawa ng gawing bahay.Sa paglipas ng panahon,may mga kababaihang matapang na nakibaka upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.Ilang beses man silang mabigo ay hindi pa rin sila tumitigil sa paglaban ng kanilang mga karapatan.Hanggan sa makamit nila ito at ipagkaloob ng mga kalalakihan.Kaya't masuwerte ang mga kababaihan ngayon dahil ang karapatan ng mga kalalakihan noon ay ang mga karapatang nararanasan na rin nila ngayon tulad ng: karapatang mamuno,karapatang makapagdesisyon sa sarili,at higit sa laaht karapatang makapag-aral.Ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan ay pantay na ngayon.


      

                    =


              






SABADO'T LINGGO "Hindi malilimutang Gabi"


               



Masayang umaga ang sumalubong sa akin noong sabado,buhat ito ng masayang nangyari kagabi.

     



     


   Dito kasi unang beses kong naisayaw ang taong lubos kong hinahangaan,kaya't hindi ko malilimutan ang gabing iyon.Kahit medyo pagod ay pinilit kong bumangon dahil marami pang gawain na kailangan naming tapusin.Pagsikat ng araw lahat ng mga kalahok sa 2015 School Jamboree ay pinauwi na habang kaming mga iskawts at mga opisyal ng SSG ay naiwan upang maglinis sa paaralan.Pagkatapos naming maglinis agad naman umuwi ang iba habang ako'y minabuting manatili muna sa paaralan.Magtatanghali na nang mapagpasyahan kong umuwi na.Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagpahinga upang mapawi ang aking pagkapagod.

Kinabukasan,tanghali na akong nagising kaya't nagmadali na akong kumain upang magawa ko na ang aking mga takdang aralin at makapaghanda sa pagpasok bukas.

Linggo, Setyembre 13, 2015

TANKA AT HAIKU

 

                          TANKA

                                                           "SULYAP"

                                                      Sa bawat araw

                                               ika'y pinagmamasdan

                                                      bakit ganito?

                                                  di ko maintindihan

                                                 aking nararamdaman

 

                                                          HAIKU

                                                         "SA'YO"

                                                    Aking pag-ibig

                                              sa iyo lamang giliw

                                                       wala ng iba

 

 

 

 


 

Sabado, Setyembre 12, 2015

SABADO'T LINNGO

       Magtatanghali na nang ako'y magising noong sabado.Ang sarap kasi ng tulog dahil walang pasok.Ngunit naalala kong mayroon pala kaming dapat na gawin ng aking mga ka miyembro sa asignaturang T.L.E.Kaya't ako'y nagmadaling kumain at naligo upang pumunta sa barangay hall.Pagkadating ko doon ay nakita ko na sila,ako na lamang pala ang hinihintay nila kaya agad namang kaming pumunta sa National Bookstore upang bumili ng kakailanganin naming gamit para sa lunes.Nang saila'y umuwi na,pumunta naman ako sa Marikina para bumili ng gamit para sa aming darating sa kamping sa sabado.

      Kinabukasan magatatanghali ulit ako nang magising,pagkatapos ko kumain ay wala na akong ginawa buong maghapon kundi manood lang ng telebisyon.At nang lumipas na ang dilim,ginawa ko na ang aking mga takdang aralin at inihanda ang aking mga kagamitan sa pagpasok bukas

Sabado, Agosto 22, 2015

"BAKIT NGA BA KAILANGANG MAGING MAINGAT SA PAGPAHAYAG NG DAMDAMIN"

Ang pagpapahayag ng damdamin ay parang "PAGMAMANEHO" ng isang sasakyan,kung saan ang nagpapahayag ng damdamin ay maihahalintulad ko sa tsuper at ang mga pasahero naman ay ang mga taong nasa paligid mo.Dahil sa pagmamaneho kailangan mong maging maingat upang hindi mapahamak ang iyong mga pasahero pati na ang iyong sarili.Gayundin sa pagpapahayag ng damdamin,kailangan mong maging maingat sa iyong ipapahayag upang walang upang wala kang masaktan na tao sa iyong paligid.
               

Sa pagpapahayag ng damdamin kailangan mong isaalang-alang ang oras,lugar,at taong kakausapin mo.Ito'y makatutulong upang malaman mo kung paano ka makapagpapahayag ng iyong damdamin sa tamang paraan at tamang panahon.Kailangan mo ring isipin ang magiging reaksiyon ng taong iyong kakausapin,kung siya ba ay matutuwa,maiinis,malulungkot, o magagalit.Dahil ito'y nagiging sanhi minsan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao.Kung alam mo namang negatibo ang sasabihin mo sa kanya,palitan mo ito ng positibo at gumamit ka ng akmang salita sa pagsaasbi nito.Lagi nating tandaan kung tayo'y maingat sa pagpapahayag ng damdamin wala tayong masasaktan at wala ring mawawala sa atin.

Sabado, Agosto 1, 2015


                                                                      


                             "DATI"

 

  https://www.youtube.com/watch?v=ejayqEKDAcs


Ang musika ay sumasalamin sa ating buhay.Lahat tayo ay may mga awiting maihahalintulad natin sa ating mga karanasan mula pagkabata.Kapag ito'y ating naririnig,bumabalik ang mga pinagdaanan nating mga karanasan sa ating buhay.Ito ay nangangahulugang ang musika ay nagiging saksi kung sino at ano man tayo sa paglipas ng mga panahon.Gaya ko,ang musika ang nagiging batayan ng aking nararamdaman.

 Isa sa mga paborito kong awitin ay "DATI".Isang awiting simple,ngunit napakaganda ng mensahe.Ang awiting ito ay bahagi na ng aking buhay,sapagkat iniuugnay nito ang mga pangyayari sa aking buhay mula ng ako'y bata pa lamang.Lahat naman tayo ay dumaan sa pagkabata,marahil ito na ang pinakamasayang karanasan sa ating buhay.Noong unang beses ko itong mapakinggan ay naantig ang aking damdamin.kaya't sa tuwing ito'y aking naririnig,parang gusto kong bumalik sa aking pagkabata at gawin ang mga masasayang bagay ng paulit-ulit yung dati na masaya,walang pinoproblema,at libreng mangarap.





http://genius.com/Sam-concepcion-and-tippy-dos-santos-dati-lyrics



Dati
By Tippy Dos Santos Ft. Quest – Sam Concepcion


[Sam]

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento


[Tippy]

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

[Sam & Tippy]

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

[Chorus]
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng…


Datirati ay palaging sabay na mag syesta
At sabay rin gigising alas kwatro y medya
Sabay manunuod ng paboritong programa
O kay tamis naman mabalikan ang alaala

[Chorus]
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Rap: [Quest]
Datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan
At pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan
Pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama at

Parang Julio at Julia lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik pa natin ating pagsasama

Chorus
Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari
Ang aking pagtingin
Oh ibulong nalang sa hangin
Pangarap na lang din (pangarap na lang din)
Na gaya pa rin ng ..

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin

Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng..
Ng dati














Linggo, Hulyo 19, 2015

                                                                    "ALAMAT NI JUAN TAMAD"

        

            Alamat,isang uri ng panitikan na kasiya-siyang basahin,sapagka't ito'y tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay at marami tayong kapupulutan na magagandang aral at mabubuting asal.Ginawa itong isang palabas ng GMA Network upang mapanuod natin at mas lalo pang maintindihan ang mga kaganapan sa isang alamat.


                          Unang ipinalabas dito ay ang "Alamat ni Juan Tamad",tampok sina Mike Tan bilang Juan Tamad at Louise Delos Reyes bilang Maria Masipag.Ang Alamat ni Juan Tamad ay isa sa mga alamat na tinangkilik ng maraming pilipino lalo na ng mga kabataan.Marahil ito'y isa rin sa mga ikinuwento ng ating mga lolo't lola noong tayo ay bata pa.Ngunit tungkol saan nga ba ang alamat ni Juan Tamad?Bakit tinawag si Juan na Juan tamad?Ang Alamat ni Juan Tamad ay tungkol sa isang lalaking na nagngangalang "Juan" na ubod ng pagkatamad-tamad..Bawat utos ng kanyang ina sa kanya ay umaabot ng ilang oras bago niya ito matapos.Araw-araw na lamang ay ganito ang kanyang ginagawa,kaya't ang kanyang ina ay nangungunsumisyon na sa kanya.Nagiging masipag lamang siya dahil sa isang babaeng kanyang iniibig na nagngangalang Mariang Masipag.Kapag nakikita niya ito para siyang sinasapian na maging masipag.Ngunit isang araw nang magkasakit ang kanyang ina,ipinangako na niya sa kanyang sarili na magiging masipag na siya upang maalagaan ang kanyang ina.Mula noon ang bansag sa kanya na Juan Tamad ay pinalitan ng "Juan Sipag".Ang Alamat ni Juan Tamad ay talaga namang nagbibigay ng maraming aral sa ating mga pilipino lalo na sa mga kabataan.

Sabado, Hulyo 18, 2015






                 "KATANGIAN NA NAIS SA ISANG KAIBIGAN"


Kaibigan,isa sa mga taong napakahalaga sa ating buhay.Mga taong pinahahalagahan at pinagkakatiwalaan natin na para bang isang pamilya.Ngunit, Paano ba tayo nagkakaroon ng kaibigan? Sa paanong paraan?Nagkakaroon tayo ng mga kaibigan,dahil sa mga taong nakapaligid sa atin.Madalas ang mga taong ito ay palagi nating nakakasama at nakakausap.Sila yung mga taong may katangiang gusto natin o di kaya'y mga taong may pagkakapareho sa ating mga hilig.

 
Mabait pero makulit,Madaldal pero Masayahin,at mat Respeto at Paggalang sa bawat isa.Ito ay iilan sa mga katangian ng aking mga kaibigan.Mga pasaway at makukulit pero masarap kasama na para bang mga tunay   kong kapatid.Sila ay isa sa mga dahilan kung bakit nagiging masaya ako araw-araw.