SABADO'T LINGGO (IKATLONG MARKAHAN)
Sabado't linggo,dalawang araw na pahinga sa pag-uumpisa ng ikatlong araw.Matinding araw ang sumalubong sa akin noong sabado,kahit papatapos na ang tao hindi pa rin nagbabago ang init na panahon.Hindi tulad dati setyembre pa lang malamig na,dagdag pa ang sunod-sunod na malalakas na bagyo.Kung kaya't napagpasyahan kong maligo ng umaga nitong sabado upang mapawi ang init na aking nararamdaman.Pagkatapos,nag-almusal muna ako habang nanonood ng mga palabas ngayong sabado sa telebisyon.Pagkatapos,inumpisahan ko ng gawin ang aking mga takdang-aralin.Maghapon ko itong ginawa,nang maggagabi na napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang ito bukas dahil Alam kong hindi ko ito matatapos ngayong araw.
Kinabukasan,gaya nga ng sinabi ko ipinagpatuloy kong tapusin ang aking mga takdang-aralin.Halos apat na oras ko itong tinapos at sakto naman dahil magtatanghalian na ng matapos ko ito.Kinahapunan,pagkatapos kong gawin ang aking mga takdang-aralin,ginawa ko naman ang aking Sabado't linggo sa aking blog.Gabi na ng mai-paskil ko ito.Sa wakas,natapos na ang aking mga gawain sa paaralan,ang kailangan ko na lamang gawin ay ayusin ang aking mga kagamitan at maghanda sa pagpasok kinabukasan.
1st honor ka sa pagpapaskil para sa ikatlong markahan. :)
TumugonBurahinHahaha.. Hindi naman po siguro ma'an
TumugonBurahin