Sabado, Nobyembre 21, 2015
"PAGPAPAHALAGA SA AKING MAGULANG"
Mula nang ako'y isinilang,ang aking mga magulang ang nagbigay sa akin ng liwanag.Liwanag na nagbigay daan upang makita ko sila pati na rin ang aking kapaligiran.Sa murang edad pa lamang ay tinuruan na nila akong magbasa at magsulat gayundin ang pagbibilang at pagsasalita.Kahit ako'y lumalaki na,patuloy pa rin nila akong ginagabayan hanggang sa aking pagpasok sa paaralan.Lagi nila akong pinaalalahanan na laging mag-ingat at sumunod sa kanilang mga ibinibilin.Isang araw dumating ang malaking pagsubok sa aming buhay at parang yumanig ang mundo ng mga panahong iyon.Pitong taon pa lamang ako nang mawala ang aking pinakamamahal na ama.Dahil musmos pa lamang,wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak at paulit-ulit na tinanaong sa maykapal kung bakit pa siya ang nawala gayong mabuti naman siyang tao.Pagdaan ng panahon ay unti-unti ko na itong tinanggap upang maibsan ang lungkot na aking nadarama.At kahit mag-isa na lang ang aking ina sa pagpapalaki sa amin ay hindi pa rin natitigil ang kanyang paggabay at pagsuporta.Sa halip mas lalo pa itong tumibay at uminog sa aming puso.Nagpapasalamat ako,sapagkat isa ako sa mga taong nakadama ng kanilang pagmamahal,mga magulang na walang tigil sa paggabay,mga magulang na walang sawa sa pagsuporta,mga magulang na ipinagmamalaki ng lubusan ang kaniyang mga anak.Ito ang aking mga magulang na palaging nariyan para sakin na kihit anong mangyari ay hindi ko ipagpapalit kanino man.Kung magkakaroon ulit ako ng panibagong buhay,ihihiling ko sa diyos na sila ulit ang aking maging mga magulang
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento