Sabado, Agosto 22, 2015

"BAKIT NGA BA KAILANGANG MAGING MAINGAT SA PAGPAHAYAG NG DAMDAMIN"

Ang pagpapahayag ng damdamin ay parang "PAGMAMANEHO" ng isang sasakyan,kung saan ang nagpapahayag ng damdamin ay maihahalintulad ko sa tsuper at ang mga pasahero naman ay ang mga taong nasa paligid mo.Dahil sa pagmamaneho kailangan mong maging maingat upang hindi mapahamak ang iyong mga pasahero pati na ang iyong sarili.Gayundin sa pagpapahayag ng damdamin,kailangan mong maging maingat sa iyong ipapahayag upang walang upang wala kang masaktan na tao sa iyong paligid.
               

Sa pagpapahayag ng damdamin kailangan mong isaalang-alang ang oras,lugar,at taong kakausapin mo.Ito'y makatutulong upang malaman mo kung paano ka makapagpapahayag ng iyong damdamin sa tamang paraan at tamang panahon.Kailangan mo ring isipin ang magiging reaksiyon ng taong iyong kakausapin,kung siya ba ay matutuwa,maiinis,malulungkot, o magagalit.Dahil ito'y nagiging sanhi minsan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang tao.Kung alam mo namang negatibo ang sasabihin mo sa kanya,palitan mo ito ng positibo at gumamit ka ng akmang salita sa pagsaasbi nito.Lagi nating tandaan kung tayo'y maingat sa pagpapahayag ng damdamin wala tayong masasaktan at wala ring mawawala sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento