WISHLIST
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang gustong makamit sa buhay,minsan idinadaan natin ito sa dasal at minsan sa paghiling.Panata na nating mga Pilipino ang magsimbang gabi tuwing magpapasko.Sinasabi nila na kapag nakumpleto mo ang 9 na araw ng pagsisimba,matutupad anuman ang iyong hiling o mas tinatawag nila na "Wishlist".Ngunit hindi natin matutupad ang ating kahilingan o gusto kung hindi natin ito paghihirapan at pagsusumikapang makuha.Hindi lamang tayo dapat umasa sa ating mga kahilingan,bagkus sarili natin mismo ang siyang tutupad sa ating mga kahilingan.
Ang Wishlist ko ngayong Pasko ay maunawaan sana ng lahat ng tao ang diwa ng Pasko na Pagmamahalan at Pagbibigayan.Unahin natin ang Panginoon ngayong Pasko,sa mga biyayang ibinibigay niya sa atin,sa paggabay niya sa mga mahal natin sa buhay,at sa buong pagmamahal niya sa atin.Nais ko rin na magkaroon na ng kapayapaan hindi lamang sa ating bansa,kundi ganoon din sa iba't-ibang bansa.At para naman sa aking sarili,sana'y palaging malakas,malusog,maayos,at masaya ang mga taong mahal ko sa buhay,ang aking mga kaibigan,mga kaklase,mga guro,at ang aking Pamilya.Sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ng malakas,malusog,maayos,at masaya dito sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento