SABADO'T LINGGO (E.S.P:Edukasyon sa Paglalakbay)
Malamig na umaga kasabay ng malakas na simoy ng hangin ang aking naramdaman sa aking paggising.Sabado pa lang noon ngunit hindi na ako mapakali at parang gusto ko ng magfield trip kahit na bukas pa iyon.Hindi na ko magkamayaw sa sobrang galak.Ilang taon na din kasi akng hindi nakakasama sa mga educational tour at elementarya pa ako ng huling makasama.Bilang paghahanda,kasama ko ang aking kaklase na namili ng mga pagkaing babaunin para bukas.Halos tsitserya lahat ang aking mga binili at iilan lamang ang mga inumin.Pagkauwi,agad kong inayos ang aking mga babaunin at inilagay lahat sa aking bag ang mga kakailanganin.At hinihintay na lamang ang oras na mag linggo na.
Alas tres ng umaga ako nagising,at nagmadali ng maligo't nagbihis upang makapunta na sa paaralan.Pagkadating ko doon,marami ng mga tao at hinanap ko na ang aking mga kaklase.Habang naghihintay sa iba pa naming mga kaklase ay nagkuwentuhan muna kami tungkol sa aming mga pupuntahan.Nang makadating na ang lahat,iniayos na kami ng mga guro sa bawat pangkat upang malaman kung sino ang mga magkakasama sa bus.Ilang oras din kaming naghintay bago tuluyang makaalis.Pagkasakay sa bus,nagpakilala na ang aming tour guide na si kuya Jepoy.Una naming pupuntahan ang Pinaglabanan Shrine,at habang papunta roon binibigyan na kami ng kaalaman ni kuya Jepoy tungkol sa Pinaglabanan,nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa Katipunan at sa ating bayaning si Bonifacio.Kamangha-mangha ang Pinaglabanan dahil nandito ang mga iba't ibang bayaning bahagi ng katipunan at mga armas na ginamit ng mga katipunero.Sunod naming pinuntahan ang Gardenia Factory na napuntahan ko na noong elementarya pa ako.Tulad ng dati, inikot namin ang Gardenia upang malaman kung paano ginagawa ang mga masasarap na tinapay dito.Huli naming pinuntahan ang Enchanted Kingdom,ang pinakahihintay ng lahat.Masaya ako muling makapunta dito,dahil masasakyan ko na ang mga rides na hindi ko pa nasasakyan noon.Sobrang haba ng pila kahit saanman kami magpunta,pero napagpasyahan na lang namin na sumakay sa Space Shuttle.Mahigit isang oras din kaming pumila roon,pero sulit naman dahil makalaglag puso ang pagsakay doon.Sunod naming pinuntahan ang Horror House,di pa man din kami nakakapasok ay takot na takot na ang mga kaklase kong babae.Nang makapasok na kami,halos mahubaran na ang mga kaklase kong lalake sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa mga damit.At pagkalabas namin,sinabi nila na hindi naman nakakatakot,pero ang mga itsura nila kanina sa loob ay parang iiyak na.Maggagabi nang bumalik kami sa bus.Kahit pagod na pagod ramdam kong naging masaya ang lahat at hiling ko sana'y maulit muli ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento