Sino ba naman ang hindi maakit sa ganda ng bansang Tsina? Puno ng mga magagandang tanawin,kultura't kasaysayan. Kaya't hindi na nakapagtataka kung isa ito sa mga pinaka maunlad na bansa sa Asya.Kahanga-hanga rin ang ang pinagmulan ng mga Tsino,ang kanilang mga ninuno ay magagaling na pinuno noong unang panahon.Dito rin nakaugat ang kanilang kultura na magpasa hanggang ngayon ay makikita pa rin sa kanilang bansa.Kasabay pa nito ang mga naggagandahang tanawin na sa bansang Tsina lang nakikita.Kaya't kung ako ay pupunta sa bansang ito,ang tatlong magagandang lugar na aking pupuntahan ay Li River,Forbidden City,at Great Wall of China.
LI River: Ang ilog na ito ay isa sa mga pinakamagandang tanawin sa Tsina.Dito mo malalaman kung bakit isang napakagandang bansa sa ang Tsina.Nagmimistulang paraiso ang tanawin dahil sa sobrang ganda nito.Ang tubig dito ay parang isang salamin sa sobrang linaw at sa paligid naman nito'y naggagandahan at nagtataasang mga bundok.
Isa sa mga gusto kong gawin sa lugar na ito ay ang pagmamasdan ng unti-unting paglubog ng araw sa pagitan ng mga nagtataasan at naggagandahang mga bundok.
Forbidden City: Sa unang tingin animo'y isang ordinaryong tahanan lamang,ngunit ang tahanan na ito'y isang tahanan na nap akahalaga sa mga tsino,dahil nagsilbi itong tahanan ng kanilang emperador.Ang Forbidden City ang sentro ng Beijing sa China na dinarayo ng mga tao dahil sa angking ganda nito.Kapag ako ay pupunta dito,lilibutin ko ito upang madagdagan pa ang aking kaalaman sa lugar na ito.Mukhang simple lang para sa atin ang lugar na ito,ngunit napakaimportante nito sa mga Tsino,dahil naging bahagi na ito ng kanilang kasaysayan.
Great Wall of China: Kapag sinabing Tsina ang unang papasok sa iyong isipan ay ang Great Wall of China.Isa ito sa mga makasaysayang imprastakturang itinayo ng mga Tsino.Sinasabing ito ang pinakamatibay at pinakamahabang imprastakturang itinayo na gawa ng tao sa buong daigdig.Kahanga-hanga ang talaga ito,dahil sa dami ng mga taong nagtulungan at ilang taong inilaan upang maitayo lamang ang imprastakturang ito.Sa aking pagpunta dito'y gusto kong lakbayin ang simula nito hanggang wakas na para bang babalik sa noon at maging bahagi ako sa pagtatayo nito.
Ilang oras man ang ang biyahe mula rito,magkano man ang gastusin mo papunta doon,magiging sulit at mapapawi ang iyong pagod at lungkot kapag napuntahan mo ang mga makasaysayan at naggagandahang lugar na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento