Lunes, Nobyembre 30, 2015

SABADO'T LINGGO (E.S.P:Edukasyon sa Paglalakbay)


         Malamig na umaga kasabay ng malakas na simoy ng hangin ang aking naramdaman sa aking paggising.Sabado pa lang noon ngunit hindi na ako mapakali at parang gusto ko ng magfield trip kahit na bukas pa iyon.Hindi na ko magkamayaw sa sobrang galak.Ilang taon na din kasi akng hindi nakakasama sa mga educational tour at elementarya pa ako ng huling makasama.Bilang paghahanda,kasama ko ang aking kaklase na namili ng mga pagkaing babaunin para bukas.Halos tsitserya lahat ang aking mga binili at iilan lamang ang mga inumin.Pagkauwi,agad kong inayos ang aking mga babaunin at inilagay lahat sa aking bag ang mga kakailanganin.At hinihintay na lamang ang oras na mag linggo na. 

        

             Alas tres ng umaga ako nagising,at nagmadali ng maligo't nagbihis upang makapunta na sa paaralan.Pagkadating ko doon,marami ng mga tao at hinanap ko na ang aking mga kaklase.Habang naghihintay sa iba pa naming mga kaklase ay nagkuwentuhan muna kami tungkol sa aming mga pupuntahan.Nang makadating na ang lahat,iniayos na kami ng mga guro sa bawat pangkat upang malaman kung sino ang mga magkakasama sa bus.Ilang oras din kaming naghintay bago tuluyang makaalis.Pagkasakay sa bus,nagpakilala na ang aming tour guide na si kuya Jepoy.Una naming pupuntahan ang Pinaglabanan Shrine,at habang papunta roon binibigyan na kami ng kaalaman ni kuya Jepoy tungkol sa Pinaglabanan,nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa Katipunan at sa ating bayaning si Bonifacio.Kamangha-mangha ang Pinaglabanan dahil nandito ang mga iba't ibang bayaning bahagi ng katipunan at mga armas na ginamit ng mga katipunero.Sunod naming pinuntahan ang Gardenia Factory na napuntahan ko na noong elementarya pa ako.Tulad ng dati, inikot namin ang Gardenia upang malaman kung paano ginagawa ang mga masasarap na tinapay dito.Huli naming pinuntahan ang Enchanted Kingdom,ang pinakahihintay ng lahat.Masaya ako muling makapunta dito,dahil masasakyan ko na ang mga rides na hindi ko pa nasasakyan noon.Sobrang haba ng pila kahit saanman kami magpunta,pero napagpasyahan na lang namin na sumakay sa Space Shuttle.Mahigit isang oras din kaming pumila roon,pero sulit naman dahil makalaglag puso ang pagsakay doon.Sunod naming pinuntahan ang Horror House,di pa man din kami nakakapasok ay takot na takot na ang mga kaklase kong babae.Nang makapasok na kami,halos mahubaran na ang mga kaklase kong lalake sa sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa mga damit.At pagkalabas namin,sinabi nila na hindi naman nakakatakot,pero ang mga itsura nila kanina sa loob ay parang iiyak na.Maggagabi nang bumalik kami sa bus.Kahit pagod na pagod ramdam kong naging masaya ang lahat at hiling ko sana'y maulit muli ito.


Linggo, Nobyembre 22, 2015

SABADO'T LINGGO

   


Umagang kay ganda,ang dinatnan ko sa paggising,kay lamig ng tubig saktong pampagising.Pagkatapos maligo ay tumungo agad ako sa paaralan upang idaos ang unang Day Camp naming mga Seniro Scouts ngayong taon.Sa aking pagpunta,nagtaka ako dahil akala ko'y walang tao at ako'y nahuli na,pero pumasok pa rin ako at nakita ko ang tatlo kong kapwa iskawts.Habang naghihintay sa iba pang iskawts,napagpasyahan muna naming magkuwentuhan.Unti-unti ng dumating ang iba pang mga iskawts kasunod ang aming guro.Nagtaka ang aming guro kung bakit kami naroon samantalang hindi naman kami kasama sa gaganaping Regional Jamboree sa Teresa,Rizal.Sa halip na umuwi,tinulungan na lang namin ang kapwa namin iskawts na maghanap ng mga kagamitang gagamitin nila sa sa loob ng limang araw.Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami upang umuwi,dahil gagawin pa namin ang aming mga takdang-aralin.


        Pagsapit ng Linggo,tanghali na akong nagising dahil sa kalalaro ng clash f clans nang gabi.Pagkatapos kong maghilamos at mag-almusal ay pumunta ako sa computer shop upang gawin ang akinh mga takdang-aralin.Pagkatapos umuwi muna ako upang magtanghalian.Pagsapit ng hapon ay muli akong bumalik upang magpaskil naman sa aking blog,nang matapos ko ito ay umuwi na rin naman ako agad.At dal may pasok pa bukas,inayos ko na ang aking mga gamit athi pagkatapos ay natulog na.

Sabado, Nobyembre 21, 2015

"PAGPAPAHALAGA SA AKING MAGULANG"



   Mula nang ako'y isinilang,ang aking mga magulang ang nagbigay sa akin ng liwanag.Liwanag na nagbigay daan upang makita ko sila pati na rin ang aking kapaligiran.Sa murang edad pa lamang ay tinuruan na nila akong magbasa at magsulat gayundin ang pagbibilang at pagsasalita.Kahit ako'y lumalaki na,patuloy pa rin nila akong ginagabayan hanggang sa aking pagpasok sa paaralan.Lagi nila akong pinaalalahanan na laging mag-ingat at sumunod sa kanilang mga ibinibilin.Isang araw dumating ang malaking pagsubok sa aming buhay at parang yumanig ang mundo ng mga panahong iyon.Pitong taon pa lamang ako nang mawala ang aking pinakamamahal na ama.Dahil musmos pa lamang,wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak at paulit-ulit na tinanaong sa maykapal kung bakit pa siya ang nawala gayong mabuti naman siyang tao.Pagdaan ng panahon ay unti-unti ko na itong tinanggap upang maibsan ang lungkot na aking nadarama.At kahit mag-isa na lang ang aking ina sa pagpapalaki sa amin ay hindi pa rin natitigil ang kanyang paggabay at pagsuporta.Sa halip mas lalo pa itong tumibay at uminog sa aming puso.Nagpapasalamat ako,sapagkat isa ako sa mga taong nakadama ng kanilang pagmamahal,mga magulang na walang tigil sa paggabay,mga magulang na walang sawa sa pagsuporta,mga magulang na ipinagmamalaki ng lubusan ang kaniyang mga anak.Ito ang aking mga magulang na palaging nariyan para sakin na kihit anong mangyari ay hindi ko ipagpapalit kanino man.Kung magkakaroon ulit ako ng panibagong buhay,ihihiling ko sa diyos na sila ulit ang aking maging mga magulang 



   MAMA,PAPA mula po sa aking puso lagi niyo pong tandaan na MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO AT HINDI PO AKO MAGSASAWA NA MAHALIN KAYO.












       



Linggo, Nobyembre 15, 2015

SABADO'T LINGGO (Globalwalkpamore,Zumbapamore,Aralpamore)




              Madaling araw pa lang ay pinilit ko ng gumising upang lumahok sa Global Diabetes Walk na ginanap noong sabado mula sa simbahan ng antipolo hanggang sa Ynares Center.Mahigit isang oras din kaming naghintay sa aming sasakyan patungong simbahan.Pagkadating namin doon ay nagmadali na kaming naglakad upang makahabol sa mga nauna dahil nahuli kami ng pagdating.Habang naglalakad kami papuntang Ynares Center,nakasulubong namin ang iba pa naming kasamahang guro at sabay-sabay ng naglakad papunta roon.Ilang minuto rin kaming nakapagpahinga bago mag-umpisa ang programa.Hindi rin naman ito nagtagal at sinundan agad ng zumba.Habang papauwi,kitang-kita sa aming mga lumahok ang kasiyahan kahit na pagod na pagod. 

                Pagsapit ng Linggo,minabuti ko munang magpahinga,dahil tambak na naman ang aking mga takdang-aralin.Buong hapon kong ginugol ang aking oras sa kakagawa ng mga ito,kaya naman maaga akong nakapagpahinga ng gabi.

ANO ANG NAIS MONG TAHAKIN BILANG ESTUDYANTE SA IPINANGAKO NG DIYOS?

            Bilang isang estudyante,kailangan ko ding pag-aralan ang at isagawa ang mga kautusan ng D Diyos.Ito ang dahilan kung bakit namumuhay ako kasama ang mga tao sa aking paligid ng maayos at ligtas.Bata pa lamang ako ay iminulat na ako ng aking mga magulang sa paniniwalang may diyos.Nakalakihan ko ito kasabay ng pagsisimba tuwing linggo.Nang ako'y nagkaisip na at nagsimulang pumasok sa paaralan unti-unting nagulo ang aking isip.Ang iba ko kasing mga kamag-aral ay hindi naniniwala na may panginoon.Mula dito,nalaman kong ang mga tao ay may iba't-ibang paniniwala na tinatawag na relihiyon.Gayunpaman,hindi pa rin nagbago ang aking paniniwala sa kanya.Sa halip,lalo pa itong tumatag at tumibay.Hangga't ako'y nabubuhay,hindi bilang isang estudyante kundi isang taong naniniwala sa kanya,ang aking buhay ay iaalay ko lamang sa kanya magpakailanaman.

Sabado, Nobyembre 14, 2015

"REALISASYON SA PARABULA NG BANGA"







        Ang Parabula ng Banga at isang parabula na sumasalamin sa mga taong may maayos at simpleng buhay na kalaunan ay naimpluwensyahan ng iba't-ibang uri ng tao sa kanyang paligid.Noong una'y masagana pa ang kanyang pamumuhay hanggang sa makakilala siya ng mga taong mas nakatataas sa kanya.Sa katagalan,naging kaibigan niya na ang mga ito at kung anuman ang kanilang gagawin ay ganun din ang kanyang susundin.Ngunit hindi niya naalala na iba siya sa kanila.Hanggang sa dumating ang araw na may nangyari sa kanilang masama,at siya lamang ang napahamak habang ang kanyang mga kaibigan ay ligtas.

        Ito rin ay tumutukoy sa pagsunod sa ating mga magulang.Dahil bata pa ay sinusunod pa natin ang kanilang mga kagustuhan,ngunit habang nagkaka-isip na ay sinusuway na natin ito dahil akala natin ay wala itong idudulot na kapahamakan sa atin.Pero,sino ba namang magulang ang nais na mapahamak ang kanyang anak?Ang itinuturo sa atin ng ating mga magulang ay kung ano makabubuti at para na rin sa kaligtasan natin.Kapag may nangyari sa ating kapahamakan saka lang natin maaalala ang kanilang mga itinuro sa atin.

Ito rin ay tumutukoy sa pagsunod sa ating mga magulang.Dahil bata pa ay sinusunod pa natin ang kanilang mga kagustuhan,ngunit habang nagkaka-isip na ay sinusuway na natin ito dahil akala natin ay wala itong idudulot na kapahamakan sa atin.Pero,sino ba namang magulang ang nais na mapahamak ang kanyang anak?Ang itinuturo sa atin ng ating mga magulang ay kung ano makabubuti at para na rin sa kaligtasan natin.Kapag may nangyari sa ating kapahamakan saka lang natin maaalala ang kanilang mga itinuro sa atin.

Linggo, Nobyembre 8, 2015

SABADO'T LINGGO (IKATLONG MARKAHAN)

          Sabado't linggo,dalawang araw na pahinga sa pag-uumpisa ng ikatlong araw.Matinding araw ang sumalubong sa akin noong sabado,kahit papatapos na ang tao hindi pa rin nagbabago ang init na panahon.Hindi tulad dati setyembre pa lang malamig na,dagdag pa ang sunod-sunod na malalakas na bagyo.Kung kaya't napagpasyahan kong maligo ng umaga nitong sabado upang mapawi ang init na aking nararamdaman.Pagkatapos,nag-almusal muna ako habang nanonood ng mga palabas ngayong sabado sa telebisyon.Pagkatapos,inumpisahan ko ng gawin ang aking mga takdang-aralin.Maghapon ko itong ginawa,nang maggagabi na napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang ito bukas dahil Alam kong hindi ko ito matatapos ngayong araw. Kinabukasan,gaya nga ng sinabi ko ipinagpatuloy kong tapusin ang aking mga takdang-aralin.Halos apat na oras ko itong tinapos at sakto naman dahil magtatanghalian na ng matapos ko ito.Kinahapunan,pagkatapos kong gawin ang aking mga takdang-aralin,ginawa ko naman ang aking Sabado't linggo sa aking blog.Gabi na ng mai-paskil ko ito.Sa wakas,natapos na ang aking mga gawain sa paaralan,ang kailangan ko na lamang gawin ay ayusin ang aking mga kagamitan at maghanda sa pagpasok kinabukasan.