Miyerkules, Disyembre 30, 2015
Biyernes, Disyembre 25, 2015
PASKO
Ang Pasko ang pinakamahalagang araw sa buong taon,sapagkat ito ang araw na ipinanganak ang tagapagligtas at Diyos nating si Hesus.Sa tuwing darating ang Ber months,nagagalak ang amg tao sapagkat papalapit na naman ang Pasko.Makakatanggap na naman tayo ng mga regalo,magkakaroon rin tayo ng mga bagong gamit,at syempre Aguinaldo o Pamasko mula sa ating mga Ninong at Ninang.Nariyan din ang mga masasarap na handaan na nakikipagpalitan pa sa ating mga kapitbahay at mga kasiyahan sa ating lugar.Tunay nga nating idinidiwang ang Pasko ng may diw na "Pagmamahalan at Pagbibigayan".
Sa araw ng Pasko,ang una nating dapat gawin ay magsimba,magdasal,at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob niya sa atin sa araw-araw.Ipinagdiwang namin ang Kapaskuhan kasama ang aking Pamilya sa aming tahanan lamang.Masasarap na handa,malalakas na tugtugan at kantahan,ganito namin idinaos ang Pasko kasama ang aking Pamilya.Kahit nasa bahay lang,masaya namin idinaos ang Pasko sapagkat idinaos namin ito ng magkakasama.
WISHLIST
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang gustong makamit sa buhay,minsan idinadaan natin ito sa dasal at minsan sa paghiling.Panata na nating mga Pilipino ang magsimbang gabi tuwing magpapasko.Sinasabi nila na kapag nakumpleto mo ang 9 na araw ng pagsisimba,matutupad anuman ang iyong hiling o mas tinatawag nila na "Wishlist".Ngunit hindi natin matutupad ang ating kahilingan o gusto kung hindi natin ito paghihirapan at pagsusumikapang makuha.Hindi lamang tayo dapat umasa sa ating mga kahilingan,bagkus sarili natin mismo ang siyang tutupad sa ating mga kahilingan.
Ang Wishlist ko ngayong Pasko ay maunawaan sana ng lahat ng tao ang diwa ng Pasko na Pagmamahalan at Pagbibigayan.Unahin natin ang Panginoon ngayong Pasko,sa mga biyayang ibinibigay niya sa atin,sa paggabay niya sa mga mahal natin sa buhay,at sa buong pagmamahal niya sa atin.Nais ko rin na magkaroon na ng kapayapaan hindi lamang sa ating bansa,kundi ganoon din sa iba't-ibang bansa.At para naman sa aking sarili,sana'y palaging malakas,malusog,maayos,at masaya ang mga taong mahal ko sa buhay,ang aking mga kaibigan,mga kaklase,mga guro,at ang aking Pamilya.Sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ng malakas,malusog,maayos,at masaya dito sa mundo.
Linggo, Disyembre 6, 2015
SABADO'T LINGGO (Ang Pangkatang-Gawaing nauwi sa Video-Oke)
Makulay na umaga,singkulay ng Sabado kong puno ng mga gawain.Ngayong araw napagpasyahan kong tapusin na ang lahat ng aking mga tajdang-aralin upang bukas ay hindi ko na ito poproblemahin.Sinimulan ko munang gawin ang mga takdang-aralin ko sa Filipino at Matematika,Mahigit isang oras ko rin itong tinapos.Kasunod naman nito ang paggawa ko sa T.L.E..Pagkatapos kong gawin ang mga ito,ay nag-umpisa na rin akong magsulat ng mga ipapaskil ko sa aking blog.Inuna ko munang gawin ang Sabado't Linggo kasunod ang iba pang ipapaskil.
Pagdating ng Linggo,at dahil hindi ko natapos ang aking blog,ipinagpatuloy ko muli ito at pagkatapos ay nanuod na ako.Pagsapit ng alas dos pumunta ako sa paaralan dahil mayroon kaming gagawing pangkatang gawain.Nang magkita-kita na kami pumunta na kami sa bahay ng aming kagrupo malapit sa paaralan upang doon gawin ang aming pangkatang gawain.Pagkatapos namin gawin ito ay nagvideo-oke na kami.Gabi na nang kami'y makauwi.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)