Linggo, Oktubre 18, 2015

SABADO"T LINGGO (Ika-17-18 ng Oktubre 2015)


Maulang umaga ang bumungad sa akin noong sabado.Ito pa naman ang araw na dapat tatapusin namin ang aming mga proyekto sa iba't-ibang asignatura.Ngunit hindi pa rin kami nagpatinag sa masamang panahon na ito sa paghadlang sa aming gagawin.Pagkadating namin sa bahay ng aming kagrupo ay agad naming inumpisahang gawin ang aming bidyo-presentasyon sa asignaturang Araling Panlipunan at Filipino.Ilang oras din ang tinagal namin sa paggawa nito,ngunit hindi naman kami inabot ng gabi nang matapos ito.Ngunit maggagabi na rin ng kami ay makauwi dahil sa paglalakad. 


Kinabukasan, nagbabadya pa rin ang panahon kasabay nito ang pagsundo sa akin ng aking kaklase upang magtatak naman ng damit sa bahay ng isa pa naming kaklase.Sa tinagal - tagal ng oras nakaligtaan kong may dapat pala akong puntahan,ngunit hindi ko na rin ito itinuloy sapagka't huli na rin ang lahat.Kaya naman nang kami ay matapos,napagpasyahan kong umuwi na lang at magpahinga.

"TATLONG LUGAR NA NAIS PUNTAHAN SA BANSANG TSINA"

                                                                                                                                                                                                                                                                                

Sino ba naman ang hindi maakit sa ganda ng bansang Tsina? Puno ng mga magagandang tanawin,kultura't kasaysayan. Kaya't hindi na nakapagtataka kung isa ito sa mga pinaka maunlad na bansa sa Asya.Kahanga-hanga rin ang ang pinagmulan ng mga Tsino,ang kanilang mga ninuno ay magagaling na pinuno noong unang panahon.Dito rin nakaugat ang kanilang kultura na magpasa hanggang ngayon ay makikita pa rin sa kanilang bansa.Kasabay pa nito ang mga naggagandahang tanawin na sa bansang Tsina lang nakikita.Kaya't kung ako ay pupunta sa bansang ito,ang tatlong magagandang lugar na aking pupuntahan ay Li River,Forbidden City,at Great Wall of China.




LI River: Ang ilog na ito ay isa sa mga pinakamagandang tanawin sa Tsina.Dito mo malalaman kung bakit isang napakagandang bansa sa ang Tsina.Nagmimistulang paraiso ang tanawin dahil sa sobrang ganda nito.Ang tubig dito ay parang isang salamin sa sobrang linaw at sa paligid naman nito'y naggagandahan at nagtataasang mga bundok.


Isa sa mga gusto kong gawin sa lugar na ito ay ang pagmamasdan ng unti-unting paglubog ng araw sa pagitan ng mga nagtataasan at naggagandahang mga bundok.






Forbidden City: Sa unang tingin animo'y isang ordinaryong tahanan lamang,ngunit ang tahanan na ito'y isang tahanan na nap akahalaga sa mga tsino,dahil nagsilbi itong tahanan ng kanilang emperador.Ang Forbidden City ang sentro ng Beijing sa China na dinarayo ng mga tao dahil sa angking ganda nito.Kapag ako ay pupunta dito,lilibutin ko ito upang madagdagan pa ang aking kaalaman sa lugar na ito.Mukhang simple lang para sa atin ang lugar na ito,ngunit napakaimportante nito sa mga Tsino,dahil naging bahagi na ito ng kanilang kasaysayan. 




Great Wall of China: Kapag sinabing Tsina ang unang papasok sa iyong isipan ay ang Great Wall of China.Isa ito sa mga makasaysayang imprastakturang itinayo ng mga Tsino.Sinasabing ito ang pinakamatibay at pinakamahabang imprastakturang itinayo na gawa ng tao sa buong daigdig.Kahanga-hanga ang talaga ito,dahil sa dami ng mga taong nagtulungan at ilang taong inilaan upang maitayo lamang ang imprastakturang ito.Sa aking pagpunta dito'y gusto kong lakbayin ang simula nito hanggang wakas na para bang babalik sa noon at maging bahagi ako sa pagtatayo nito. 




Ilang oras man ang ang biyahe mula rito,magkano man ang gastusin mo papunta doon,magiging sulit at mapapawi ang iyong pagod at lungkot kapag napuntahan mo ang mga makasaysayan at naggagandahang lugar na ito.




Sabado, Oktubre 10, 2015

SABADO'T LINGGO


                                                                                                                         

Sabado na naman,ilang araw na lang at nalalapit na naman ang ikalawang markahang pagsusulit.Ang huling dalawang linggong pasakit sa pag-aaral naming mga estudyante.Sa malamang bugbog na naman ang katawan ko sa kagagawa at kapapasang mga proyekto,repleksiyon,portpolyo,at kwaderno sa iba't-ibang asignatura.Kaya ang sabado't linggo na ito ay iaalay ko sa paggawa ng mga gawaing ito.

Pagkagising ko noong sabado,inumpisahan ko na agad ang paggawa ng mga repleksiyon at pag-aayos ng aking mga kwaderno sa ibang asignatura.Maghapon ko itong ginawa,kaya naman kinagabihan maaga akong nakapagpahinga.

Kinabukasan naman ay inihanda ko ang aking gagawing pag-uulat sa asignaturang araling panlipunan kinabukasan,kaya naman ipagpapatuloy ko na lang sa susunod na mga araw ang pagtapos sa mga gawaing ito.